Ate Lita: the Role Model Believer

I received news yesterday that ate Arcelita “Lita” Piloton has finally joined the Lord on the other side of eternity. Ate Lita started attending our church earlier this decade, as she had been working as a store aide/household helper in one of the communities near our church. She left her grown-up children and home church in Cavite to find work in Metro Manila. If I remember correctly, she also used to work as a household helper for another household in Antipolo. Sadly, her recurring cancer had resurfaced about 3 or 4 years ago. She went back to Cavite as she started becoming weaker. At that time, her doctor estimated she had but a few months to live. But God was faithful. More than a year after that diagnosis, she regained some of her strength as was even able to attend our wedding last December 2017.

There are only a few people whose faith and spirituality I admire, and ate Lita is one of them. As an employee, her integrity is off the charts, and her bosses often have complete trust in her. As a colleague in the music team, she always shows up on time, and faithfully attends to her commitments. What amazes me the most, however, was her simple faith. She took God’s promises at face value and believed them. That faith was evident in her everyday life. She had this aura of genuine joy amidst the pain from her illness and the circumstances in her life. While finance are often a problem for her, she was not enslaved by “trying to make ends meet”, but rather simply worked while trusting in God’s provision. You can clearly see in the way she thinks and acts that she truly understands that this world is not her home, and that what matters most is glorifying God by becoming like Him and spreading His good news of salvation. She was not afraid of death.

As an attendee of our church service that has the highest concentration of urban poor congregants, I sometimes thought of how a mature urban poor background believer should be like. The more I got to know ate Lita during our bible studies (which she sometimes leads) and ministry involvements, the more I realized that she was the closest I’ve met that embodies the qualities of the “ideal congregant.”

Actually, socio-economic class aside, she’s one of the most mature believers I’ve ever met. She didn’t study in Bible school, neither was she well-versed in hermeneutics, but her godly wisdom gleaned from basking in God’s word and prayer is evident in how she responds to situations and in how she treats people.

Perhaps I’d close by enumerating some of the qualities I saw in her that I hope and pray can be cultivated in my life, and in  the lives of our other congregants:

  1. Humility with confidence.

She didn’t complain about doing menial tasks, and remained obedient to her bosses. She also has the confidence to share God’s message to the people around her – whether through evangelism, bible study leading, or praying for individuals.

2. “Just-believe” attitude.

It’s easy to read and memorize God’s word, but believing His promises at face value is hard when we are tried by unfavorable circumstances. Ate Lita firmly believed God’s promises of provision and spiritual blessing even amidst reasons that would make normal people stop believing in God. It’s not just about seeing the proverbial silver lining in a tragic event, it’t acknowledging the tragic event and seeing God’s greater purpose behind it.

3. Exuding joy.

There was really something different about ate Lita’s aura. Upon hearing her life story or what she’s facing at the moment, one would normally feel sorry for her. Upon seeing her face and feeling her perspective though, as she tells her story, one would feel ashamed at his or her own lack of faith and joy. You would know that her joy is genuine, that she’s not faking it.

4. Eternal perspective

Ate Lita knew how to put first things first: pleasing God comes before anything else. Financial problems, physical pain, tragic moments – these are all are secondary. What’s important to her is not financial security, the absence of pain, or the avoidance of tragic moments, but rather facing them with God at her side. While most other people would ask God to heal them or solve their problems, she would rather ask that she be used by God or or ask how she could give God glory in that situation.

This post is but proof of how a single life lived for God impacts others. Living the Christian life is not just about grandiose one-time acts, but rather faithfulness on a daily basis. As I wait for our son’s delivery in the coming weeks, I can’t help but think about how I could also influence his life (as well as others’) as a father.

I would thus like to leave this reflection with you: How do you think would people remember you when you pass away?

Posted in Uncategorized | Tagged , , , , | Leave a comment

What makes one truly wise? (a Christmas reflection)

taken from

Our passage in Church last Sunday was from Matthew 2 – the story about the wise men’s visit to the child Jesus, as well as king Herod’s plans to kill him. While the message was certainly loaded with facts and important theological reflections, I can’t help but focus on the characters. It’s a narrative, after all.

The preacher mentioned that the “magi” or “wise men”, whom we often refer to in the Philippines as the  “Three Kings” (who were not kings at all, and whose actual numbers were unconfirmed), were actually Babylonian astronomists and astrologists that were followers of the well-known Persian prophet and philosopher, Zoroaster. They were presumably called wise because of their vast knowledge – they knew that the prophecy about the birth of Christ has just been fulfilled:

After Jesus was born in Bethlehem in Judea, during the time of King Herod, Magi[a] from the east came to Jerusalem and asked, “Where is the one who has been born king of the Jews? We saw his star when it rose and have come to worship him.” (Matthew 2:1)

In my opinion, the wise men were not just wise because they knew about the time and place of Jesus’ birth, but rather because they acknowledged that Jesus was King of the Jews, and worship and revered him. They travelled hundreds of miles, bringing with them precious gifts, and humbled themselves by bowing before a child.

Now, these people were by no means Jews. At most, they may be considered as monotheistic followers of Zoroastrianism. Yet the bible records them as a group who intentionally sought Jesus as soon as he was born.

This is in stark contrast with Herod the Great, who, although was raised a Jew, saw Jesus only as another threat to his claim to the throne as Roman client king of Judea:

When they had gone, an angel of the Lord appeared to Joseph in a dream. “Get up,” he said, “take the child and his mother and escape to Egypt. Stay there until I tell you, for Herod is going to search for the child to kill him.” (Matthew 2:13)

Herod failed in his attempt to kill Jesus, and was historically recorded to have died of a painful illness perhaps months or a few years after Jesus’ birth.

What makes one truly wise? I believe it’s our response to God’s continuous revelations about Jesus Christ.

Who is Jesus Christ to you? Is he another person you’d not want to have anything to do with? Or perhaps someone you want out of your life? Is he perhaps someone knocking at your door? Someone familiar but you often just practically ignore? Or his he the king of your life and the only one worthy of your worship?

For those who call themselves “followers of Jesus”, to what extend do you yield to him as king? Is it mere lip service as you decide most things without his input, anyway? Do you yield most but not all areas of your highly compartmentalized christian life? Or are you 100% confident that all areas of your life are fully yielded to him? Like the wise men, are you willing to give him your time and valuable posessions?

Look back on your dynamics with the Lord Jesus this past 2018. What actual role has he played in your life?

As we enjoy this season, let us continue to reflect on how we could be truly wise.

A blessed Christmas to all!

Posted in Uncategorized | Tagged , , , , , | Leave a comment

“Panginoong Hesus, kay buti Mo.”

*Warning: personal post written in the vernacular*

Pumapadyak ako noon patungo sa opisina. Sabado yun. Nagmamadali ako para masulit ang aking “half day” OTY para magbawas ng mga nakatambak na trabaho. Sa pagmamadali, hindi ako nakapag-gugol ng panahon sa pananalangin.

Pagdating ko sa bandang Banlat sa kahabaan ng Tandang Sora, bumungad sa akin ang isang nakaparadang truck. Nakasulat sa likod nito ang katagang “Panginoong Hesus, kay buti mo.” Bahagya akong natuwa, at inisip na tumigil para kunan ito ng litrato. Tinamand ako. Kasi nga, nagmamadali. Pagka lagpas ko sa truck, nagulat ako na malamang may kasunod pa itong isa pang truck na parehas ding may nakasulat sa likod: “Panginoong Hesus, kay buti mo.” Hindi pa rin ako tumigil para kumuha ng litrato. Nagpatuloy akong pumadyak habang nananalangin ng pasasalamat para sa munting paalala mula sa itaas…

Pagkadating sa opisina, hindi mawala-wala sa aking isipan ang mga katagang nakita ko sa likod ng truck. Dumaan ang mga araw, at sunod-sunod dumating ang mga balitang tila hindi maganda ang dating sa pandinig. Nadagdagan ang trabahong kailangan gawin, salamat sa panibagong alituntunin na inilabas ng Pamantasan kamakailan lamang. Dahil dito, ang aking pangarap na magtapos ngayong Hunyo, maaring manatili na namang isang pangarap sa ngayon…

Sa gitna ng aking pag-aalala, naalala ko ang mga katagang aking nabasa. Ito ay tila ba naging aking mantra. Hindi nagbabago ang kabutihan ng Panginoon. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na nangyayari sa atin. Nababawasan ba ang kabutihan ng Diyos dahil dumaranas tayo ng mga pasanin sa buhay? Hindi. Dapat ko bang sisihin ang Diyos kung, sa kabila ng pagpupursigi ay hindi ako makatapos ngayong Hunyo? Hindi. Magpagayun pa man, gagawin ko ang lahat para subukang matapos.

Mabuti ang Diyos dahil sa kabila ng ating pagiging makasalanan ay hinayaan Niya tayong mabuhay, mag bagon-buhay, at makapiling Siya.

Kung ikaw man ay may pinag-dadaanan ngayon, ang payo ko’y lumapit ka sa Panginoon. Manalig ka sa Kanyang kabutihan at isuko ang lahat ng iyong dinadala. Huminga ka at sabihing, “Panginoong Hesus, kay buti mo.”

Posted in Current Affairs | Tagged , , , | Leave a comment

Ang Huwad na Guro

*Sermon delivered at the DIliman Campus Bible Church Tagalog Service last March 18, 2018.

Noong nakaraang linggo, nakatanggap ako ng mensahe sa facebook mula sa aking nanay. Ang sabi, hindi na daw paparahin ng mga MMDA ang mga sasakyan na may violation, bagkus ay CCTV na lang ang magiging basehan ng pag-huli. Sa unang basa, nag-duda na ako dahil wala man lang logo ng MMDA ang nasabing mensahe.

Kinagabihan, nalaman ko sa balita na “fake news” daw ito. Kung ikaw ay naniwala sa balitang iyon, tapos biglang pinara ka ng MMDA at pinangalandakan mo na mali sila, malamang sa malamang, ikaw ang mapapahiya. Nabiktima ka ng fake news.

Ang mga kapatiran na sinusulatan ni Pedro noong unang panahon ay nabibiktima din ng mga peke – pero mas malala pa sa fake news:  mga pekeng propeta, pekeng mensahe, pekeng pananampalataya, o di kayaý mga pekeng Kristiyano.

Kung isa sa mga layunin ng 1 Pedro ay ang pagpapatibay ng mga mananampalataya laban sa mga nang-uusing mula sa labas ng simbahan, ang 2 Pedro naman ay tungkol sa pagpapatibay laban sa mga huwad na guro at masasamang tao mula sa loob ng simbahan. Siyempre, ang lahat ng ito ay alinsunod sa huling utos na personal na ibinigay ng ating Panginoong Hesus kay Pedro:

“Pakainin mo ang aking mga tupa” (Juan 21:17)

Hindi ko po ipagkakaila na pawang napakabigat ng ating nabasa. Walang preno si Apostol Pedro sa kaniyang mga salita at pagbibitiw ng paghatol mula sa mga tinaguriang huwad na guro. Nangangahulugan lamang ito na gayun na lamang ang halaga ng isyu na ito para sa atin.


  1. 1-3 Ang kanilang pagdating at layunin
  2. 3-10 Ang kanilang kahahantungan
  3. 10-22 Ang kanilang mga katangian.



Mga huwad na propeta sa lumang tipan:


14 Subalit ganito ang sagot ni Yahweh: “Pawang kasinungalingan ang sinasabi ng mga propetang iyan; hindi ko sila sinugo, inutusan, o kinausap man. Ang mga pangitaing kanilang sinasabi sa inyo ay hindi galing sa akin, kundi pawang kathang-isip lamang nila. (Jeremias 14:14)


Ang mga huwad na guro ay:

  1. Siguradong pagdating (v1)
  2. Palihim na operasyon (v1)
  3. Maling katuruan at mga kuwentong kasinungalingan (v1, v3)
  4. Maraming malilinlang na sumunod (v2)
  5. Mang-aabuso at manggagamit para sa sariling kapakanan at kasakiman (v3)
  6. Ang kahahantungan ay kaparusahan at paghahatol (v3)

Siguradong pagdating (v1) – Hindi natin lubos na maiiwasan ang pagdating ng mga huwad na guro. Silaý makikihalubilo sa atin. Laganap sila nung panahon ng mga Apostol. Nakakalungkot man isipin, laganap pa rin sila hanggang ngayon. Oo, nariyan ang mga napapanood ninyo sa TV. Delikado sila dahi marami silang nahihikayat sa maling paniniwala. Pero sa aking tantya, mas delikado yung tipong kasa-kasama na pala natin sila.  Marahil ay mayroon sa silid na ito ngayon. Marahil ay isang tao na minsan nang tumayo dito sa harapan. Marahil ay ang katabi ninyo o isa sa mga kasamahan ninyo sa bible study. Marahil isa sa mga napasahan ninyo ng tinapay at saro tuwing banal na hapunan. Marahil ay yung nakikita ninyo sa salamin.

Palihim na operasyon (v1) – Ang isang huwad na guro ay malamang sa malamang hindi aamin sa kanyang totoong pagkatao. Maaring siya ay mag- babait-baitan o mag papaawa effect para makuha ang iyong loob. Hindi obvious at magaling umarte. Kailangan natin ipanalangin sa Diyos ang dunong-espiritwal para malaman kung sinu-sino sila.

Maling katuruan at mga kuwentong kasinungalingan (v1, v3) – Mga suntok sa buwan na interpretasyon ng mga katuruan sa bibliya, mga kuwentong labas sa bibliya. Mahalaga ang pag-aaral natin ng bibliya para tayo mismo ay maihiwalay ang turong lihis mula sa katotohanan.

  • Hindi paniniwala na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay Diyos
  • Kaligtasan sa pamamagitan ng mabuting gawa o lihim na kaalaman na dagdag pa sa pananampalataya sa ginawa ni Hesus (“Hesus lang, kulang”).
  • Pang-aabuso sa kagandahang loob ng Diyos sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkakasala at pamumuhay sa kahalayan (Roma 6:1)
  • Ang Diyos ay mapagmahal at hindi mag-huhukom
  • Pamumuhay ng taliwas sa itinuturong mga aral ng Bibliya.
  • Ang kayamanan at kalusugang pisikal sa mundong ito ay ibibigay ng Diyos sa lahat ng Kristiyano masunurin sa kanya (prosperity gospel)

Maraming malilinlang na sumunod (v2) – karamihan sa mga kulto na mayroon ngayon ay pinangungunahan ng mga huwad na guro na minsan nang sumapi sa simbahang ebangheliko. Marami silang nahikayat sa kanilang kakaibang mga katuruan hanggang sa silaý nagtayo na ng sariling simbahan. Subalit higit na mas delikado ang mga huwad na gurong nanghihikayat at nananatili sa loob ng simbahan. Hindi malayong mangyari na sila ay naiiwan sa loob ng simbahan at patuloy na nanghihikayat habang ang kanilang mga nahihikayat ay tuluyan nang napapalayo sa ating Panginoon.

Mang-aabuso at manggagamit para sa sariling kapakanan at kasakiman (v3) – pera, pagkain, materyal na bagay, o mga pabor. Gagawin nila ang lahat upang makuha ang mga ito sa inyo.

Ang kahahantungan ay kaparusahan at paghahatol (v3) – Hindi labas sa saklaw ng kapangyarihan ng Diyos ang kanilang pananagot sa kanilang mga ginawa, dito man sa buhay na ito o sa kabila.


Sa talatang 4 hanggang 10, may 3 halimbawa na binigay si Apostol Pedro tungkol sa paghuhukom ng Diyos. Ito ay dahil ang ilan sa mga huwad na guro ay hindi naniniwala na may paghuhukom na gagawin ang Diyos sa mga huling araw. Iniisip nila na makaka-absuwelto sila sa lahat ng ginagawa nilang kasalanan at kahalayan. Subalit malinaw sa 3 halimbawa na may paghuhukom. Ang unang halimbawa ay hinihinalang tumutukoy sa mga anghel na nag-aklas laban sa Diyos bago pa man likhain ang tao. Hinusgahan din ng Diyos ang labis na kasamaan ng sangkatauhan, liban kay Noe at sa kanyang pamilya. Hinusgahan niya ang Sodoma at Gomorra. Ang mga huwad na guro, at maging ang bawa’t isa sa atin, mga kapatid ay dapat magkaroon ng banal na takot sa katotohanan ng paghuhusga ng Diyos. Sa kabila nito, ang sinumang tunay na tumalikod sa kasalanan, sumampalataya kay Kristo at lumakad sa kabanalan ay hindi dapat mabahala na siya ay matutulad sa mga halimbawang ito. Ang mensahe sa mga halimbawang ito ay maibubuod sa talata 9-10a:

“Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paano paparusahan ang masasama hanggang  sa araw na sila’y hatulan, lalo na ang sumusunod sa mahahalay na pagnanasa ng katawan at ayaw kumilala sa maykapangyarihan. (Talata 9,10a)”


Nabanggit din sa talata 17 ang kanilang paglalagyan:

“Inilaan na ng Diyos para sa kanila ang napakalalim at napakadilim na lugar.” (talata 17b)

Marapat lamang na ang bawa’t isa ay siyasating ang kanyang sarili upang malaman kung tayo ay kabilang sa mga “tapat” o sa mga “masasama.” Special mention sa liham ni Pedro ang dalawang kategorya ng kasalanan na laganap sa mga huwad na guro noong panahon nila (na sa kasamaang palad, ay laganap pa rin hanggang ngayon):

  • Mahahalay na pagnanasa – ang pakikipagtalik o paggawa ng mga sekswal na bagay na kasama ang isa o higit pang tao na hindi mo asawa, maging ito man ay kapareho o kaiba ng kasarian.
  • Hindi pagkilala sa maykapangyarihan – sinasalungat ang mga lider sa simbahan, ang mga mensahero ng Diyos, o di kaya’y ang Diyos mismo.

Siguradong ang karamihan sa atin ay may nakilala na mga tao na ganito. Marahil ang iba ay nalinlang nila. O huwag naman sana na sa silid na ito sa kasalukuyan, ay may taong katulad ng pagkasalaysay sa isang huwad na guro. Kung mayroon man, nawaý magpasakop ka na sa Diyos habang hindi pa huli ang lahat.


Sa huling bahagi ng talata 10 ay muling isinalaysay ang katangian ng mga huwad na guro:


Mistulang hayop

Nilalapastangan ang hindi alam

Hayok sa laman

Nandaramay sa pagkakasala

Nang-aakit sa kahalayan



Batis na walang tubig

Naglalahong ulap

Alipin ng kasamaan


Asong kumakain ng sariling suka

Baboy na bumabalik sa putikan


Ano ba ang isinisimbulo ng mga ito?

Mapag-mataas – uunahin ang sarili kesa iba. Mas iniisip ang sariling kapakanan kesa kaluwalhatian ng Diyos

Mistulang hayop – instinct, predator, walang pagpipigil

Nilalapastangan ang hindi alam – kunyari’y may taglay na espesyal na kaalaman tungkol sa mga bagay espiritwal (kuno naka punta na sa impiyerno, )

Hayok sa laman – ang tingin sa kapatiran ay pawang mga pamawi ng kanilang mga pagnanasang sekswal

Nandaramay sa pagkakasala

Nang-aakit sa kahalayan – bibiktimahin ang mga inosente upang maki apid o gumawa ng mga kahalayan. “Sexual predator”. Malungkot na sa mga kulto man o mga simbahang Kristiyano, marami nang mga pastor, pari at mga ministro ang nahuhulog sa ganitong kasalanan. Ginagamit ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan upang palihim na abusuhin ang mga tao sa kanilang pinamumunuan.

Kahiya-hiya – alam nilang mali ang kanilang ginagawa kaya pilit na inililihim ang mga ito. Kapag nabuking ay todo deny. Kahit mag-sinungaling pa sa harap ng buhay na Diyos.

Batis na walang tubig – paasa. Hindi nakapag bibigay-buhay. Ang sinumang pumunta sa kanila upang pawiin ang uhaw na espiritwal ay lalo lang mauuhaw. Taliwas ito sa ating Panginoong Hesus.

Naglalahong ulap – walang ulan ni lilim na maibibigay

Alipin ng kasamaan – ANg nangangako ng kalayaan mula sa pagtitimpi ay walang tunay na kalayaan pagkat ang kawalan nila ng pagtitimpi ay patunay ng kanilang pagkaalipin sa mga kahalayan

Balaam /Baliw – (Bilang 22) si Balaam ay isang propetang Gentil nung lumang tipan. Bagama’t personal niyang nalaman ang katotohanan mula sa Diyos, sinuway niya ang Diyos at piniling sumpain ang Israel kapalit ng kayamanan.

Asong kumakain ng sariling suka / Baboy na bumabalik sa putikan – Hindi totoo ang pagbabago sa buhay


“ Sapagkat kung nakatakas na sa kasamaan ng sanlibutan ang mga taong kumilala kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas, ngunit muli silang maakit sa dating masamang gawain at tuluyang mahulog dito, ang magiging kalagayan nila ay masahol pa sa dati. 21 Mabuti pang hindi na nila nalaman ang daang matuwid, kaysa pagkatapos malaman ang banal na utos na itinuro sa kanila ay talikuran nila ito.” (Talata 20-21)


Hindi malayong mangyari na ang mga huwad na guro ay hindi talaga totoong Kristiyano. Nagpakita man sila ng kaunting pagbabago sa buhay at mistulang tumugon nang positibo sa mabuting balita noong nauna, sa huli ay lumabas ang kanilang tunay na kulay. Sa kanilang ginagawa ay ipinapahayag nila na hindi talaga sila nagpasakop sa Panginoon.

Sa ating nabasa ngayong umaga, ayon sa liham ni Pedro ay may 3 klase ng tao sa silid na ito:

  1. Ang mananampalataya
  2. Ang mananampalatayang nalinlang o nahikayat
  3. Ang huwad na guro.

Ang bawa’t mananampalataya ay hinihikayat na siyasatin ang sarili upang malaman kung mayroon tayong mga katuruan, paniniwala o mga gawing pamumuhay na lubhang taliwas sa nais ng Panginoon. Tayo ba ay lubusan nang nagpasakop sa Panginoon at patuloy na lumalakad sa kabanalan?

Tayo ay dapat na maging mapang-matyag, listo, at maalam sa Salita ng Diyos upang maiwasan ang maloko ng mga huwad na guro, at upang isiwalat ang kanilang mga ginagawa.

Marami na ang nawalan ng tiwala sa Kristiyanismo nang dahil sa mga huwad na guro na ginagamit ang ating pananampalataya upang pagsamantalahan ang iba. May mga naging bitter sa Diyos at lumayo sa simbahan. Ang iba naman ay nanatili ngunit naging bitter sa mga huwad na guro. Ang mga huwad na guro na ito ay hindi dapat maging basehan ng ating pag-husga sa katapatan ng Diyos. Hindi sila kumakatawan sa Diyos.

Kung tayo man sa isang punto ng ating buhay ay naloko o nalinlang ng mga huwad na guro, marapatin natin na iwaksi ang lahat ng maling katuruan at gawi, manumbalik at piliing manatili sa Panginoon, manalangin na tuluyang lumalim ang ating pagkakilala sa Kanya at sumampalatayang ang Diyos ang hahatol sa kanila.

Kung ikaw ay pasok sa pagkasalaysay sa isang huwad na guro, may 2 kang pagpipilian:

Magsisi sa kasalanan at magpasakop sa Diyos,

O magpatuloy at antayin ang Kanyang pag-hatol.


Isa sa mga paraan upang malaman mo ang peke ay kung lubos mong kilala kung ano ang totoo. Kung sa araw-araw ay mas nakikilala natin ang Panginoon, mas madali nating malalaman ang mga nagpapanggap lamang na alagad niya. Ayon pa sa isang manunulat,

Ang pinaka mainam na panlaban sa maling katuruan ay isang lokal na simbahan – isang komunidad na nakakaalam, kinagagalakan, at namumuhay sa Salita ng Diyos – at ipinananagot ang mga namumuno dito.
-David Mathis

Posted in Uncategorized | Tagged , , , , | Leave a comment

“Hu u?” 1 Pedro 2:4-12

*Sermon delivered to the Diliman Campus Bible Church last January 28, 2018

Kapag ang ating kausap sa text ay hindi na-recognize ang ating number, madalas niyang tinatanong ang “Hu u?” o “Sino po sila?”

Madalas ay sinasagot natin ang tanong na ito ng ating pangalan at kung ano ang relasyon natin sa nagtatanong.

Sa mga Pilipino, madalas kapag may bagong kakilala ay itinatanong ang iyong pangalan, probinsya, o di kaya’y trabaho.

Ang pagsagot sa kung sino tayo ay naka-base sa kung gaano natin kakilala ang ating sarili. Para sa mga Kristiyano, nararapat lamang na malaman natin kung sino si Kristo, sino tayo  sa kayang mata, at ano ang ating tungkulin sa buhay. Ito marahil ang isa sa mga layunin ni Pedro sa kanyang liham.


Ang liham ni Pedro ay para sa mga mananampalatayang Hentil na nasa iba’t ibang siyudad sa lugar na ngayon ay ang bansa ng Turkey. Silaý hinahamak at tinutuligsa, dumaranas ng hirap dahil sa kanilang pananampalataya na iba sa paniniwala ng mga Romano sa kanilang paligid.

Ang liham ni Pedro ay paalala sa kung sino sila, sino ang Diyos na kanilang sinasamba, at kung ano ang pag-asang nag-aantay sa kanila.


  1. Sino ba si Kristo? (talata 4-8)

2. Sino ba tayo sa Kanyang mata? (5,9-11)

3. Ano ang dapat nating gawin batay sa ating pagkatao? (11-12)


4-8: Si Kristo, ang Batong Panulukan

  • Batong panulukan – ang batong panulukan ang pinaka mahalagang bato sa paggawa ng istruktura noong unang panahon. Ito ang nagsisilbing tanda sa lugar na katatayuan ng gusali. Sa modernong konstruksyon, ito marahi ang katumbas ng isang matibay na pundasyon.

“Hindi mapapahiya ang sinumang sumampalataya sa Kanya”


  • Batong buhay (na itinakwil)
    • Si Hesus ang matibay na sandigan at pundasyon na syang pinanggagalingan ng buhay. Sinuman sa atin na hindi naka-dikit sa kanya ay pawang bato na walang buhay, at walang kakayahang magbigay kaluguran sa Diyos. Parang halaman na binunot mula sa lupa. Parang Appliance na hindi nakasaksak. Parang Cellphone na walang baterya. Parang bangkay – wala nang buhay. Mga bagay na hindi magagampanan ang kanilang silbi kung walang power source.
    •  Katulad ng pag-takwil sa kanya ng mga tao, tayo rin na sumasamplalataya sa kanya ay Itatakwil ng iba. Ito ay hindi dapat maging dahilan ng kalungkutan bagkus ay karangalan. Ang mahalaga ay hindi ang pag takwil ng tao kundi ang pagpili ng Diyos.

11 “Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan][a]nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.” (Mateo 5:11-12)

  • Batong katitisuran
    • Maraming beses na sa ating paglalakad, kung hindi tayo maingan sa ating nilalakaran ay natatapilok tayo. Minsan din ay hindi natin napapansin ang mga mahalagang bagay na maaring nalaglag sa daan (pera, kagamitan)
    • Habang si Hesus ay pinili ng Diyos, siya ay dinedma ng karamihan ng mga Hudyo at maging ng mga Hentil. Hindi nila nakita o kinilala na si Hesus na nga ang hinihintay na Mesias. Hindi sila naniwala sa kanyang mga salita, mga kababalaghang ginawa. Bagkus ay ipinapatay pa siya.

5,9-11: Sino ba tayo sa Kanyang mata?

  • Pinili ng Diyos, Kinahabagan ng Diyos, Bansang Hinirang, Banal (vv9-10) –
    • Tulad ng Bayang ng Israel, tayo ay pinili ng Diyos, subalit ito ay hindi dahil sa anumang katangiang positibo na meron tayo. Ito’y pawang kagandahang-loob ng Diyos.  Wala sa atin ang may kakayahang magyabang o mag Malaki.
    • Banal – Ano nga ba ang kabanalan? Ito ay ang pagiging iba. Tulad ng kung papaanong ang Diyos ay walang katulad. Siya lang ang tanging walang bahid ng kasalanan o karumihan o kasamaan. Itinalaga. Parang yung mga magagandang pinggan na ginagamit lamang kapag may mahalagang okasyon. Ang maging baying hinirang at itinalagang banal ng Diyos ay nangangahulugan na tayo ay dapat maging katulad niya.
    • Bakit tayo pinili ng Diyos? Para saan? Ang Israel noon ang pinili upang kumatawan sa Diyos. Parang customer service representative.

“…pinili upang magpahayag ngmga kahanga-hangang ginawa niya.” (v9)

  • Ano ba ang mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos? Ito ay ang mga nakasaad sa Bibliya, sa Kasaysayan, at ang mga ginawa Niya sa buhay mo.
  • Pag-aari ng Diyos –
    • tayo pinahahalagahan ng Diyos tulad ng mga kayamanan. Kapag ikaw ay mag bagong telepono, iniingatan mo ito, nilalagyan ng casing, screen protector, hindi ibinabagsak, pinupunas-punasan pa. Pero pag naluma na, kahit mabagsak, ok lang. Ang Diyos ay hindi ganun. Kung papaano natin pangalagahan at ingatan ang pinaka mahalaga nating gamit o mahal sa buhay, higit pa doon ang pagpapahalaga at pag-iingat sa atin ng Panginoon. At hindi siya nagsasawa na ingatan at pahalagahan tayo. Hindi naka depende sa ating kabaitan o pagsunod sa kanya ang kanyang pagmamahal sa atin. Kapatid, kayamanan ang turing sa iyo ng Diyos kahit na madalas kang magkasala o sumuway sa kanya. Ito ang katotohanan ng kanyang habag at kagandahang loob. Kung tutuusin, ang lahat sa atin ay sa impiyerno dapat mapunta dahil sa ating mga pagkakasala, ngunit heto tayo, nasa mundong ito, humihinga at binibigyan ng pagkakataon na makibahagi sa dakilang Gawain ng pagpapahayag ng mabuting balita ng Panginoon.
    • Tulad ng isang sanggol, wala naman tayong ginawa upang mahaling at kalingain ng ating mga magulang. Hindi mo minahal ang iyong anak dahil guwapo siya, mabait siya o dahil hindi siya iyakin. Minahal mo siya dahil anak mo siya. Pinili mong mahalin sya. Ganun din ang pagpili sa atin ng Diyos.
    • Sa kabilang banda, bilang pag-aari tayo ng Diyos, hindi natin pag-aari ang ating sarili. Hindi tayo ang kapitan ng ating barko. Sabi nga sa isang kanta, si Hesus ang Tsuper ng buhay. Tayo ay pawang pasahero lamang.

19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; 20 sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. 1 Corinto 6:19-20

  • Batong Buhaý, bahagi ng Templong espiritual (v5) – Ang ating buhay na espiritwal ay galing sa kaugnayan natin kay Hesus.

Ang templong itinataguyod ay kumakatawan sa paglaganap ng pagsamba sa Tunay na Diyos.

Ang ating pagiging bahagi ng templo ay nangangahulugang bahagi tayo ng pagpapalaganap ng pagsamba sa Tunay na Diyos


  • Maharlikang Pari (v9) – Sa Israel, tanging mga taga-angkan lamang ni Judah ang maaring maging hari, habang mga angkan lamang ni Levi ang paaring maging pari.
    • Hari – Ang pagiging Maharlika ay parehas may kalakip na pribilehiyo at tungkulin. Bilang mga anak ng hari, tayo ay tagapagmana sa kaharian ng Diyos. Subalit tulad din ng mga hari, tunngkulin natin ang ipaglaban ang ipinaglalaban ng Diyos at pangasiwaan ang daigdig.
    • Pari – Ang mga pari ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng Diyos at sa pangkaraniwang tao. Si Hesus ang ating pinakapunong pari (Heb 4:14-16). Sila ang nag-aalay ng mga handog para sa kasalan at pasasalamat, maging ang tagapanguna sa pagsamba. Bilang mga pari, tayo’y inaatasang ipakilala at ihatid ang mensahe ng Diyos sa mga taong hindi nakakakilala sa Kanya.
  • Tinawag mula sa dilim tungo sa liwanag
    • Ang sinumang nais lumapit sa Diyos ay kailangang tumugon sa kanyang pagtawag na talikuran ang kasalanan
    • Ang pagbabago sa ating buhay ay kasinliwanag ng diperensya ng araw sa gabi
    • Ang liwanag ng Diyos ang nagpapakita sa atin ng Kanyang mga katotohanan, at ng mga bagay na dati’y hindi natin napapansin
    • Dapat nating ihayag sa iba kung papaano tayong inilabas ng Diyos mula sa kadiliman


  • Dayuhan sa daigding (foreigner, alien; v11) – Tulad ng Israel noon na paikut-ikot sa disyerto, tayo rin ay nag-aasam na makarating sa lupang pangako. Tulad ng mga Judio napadala sa iba’t ibang lupalop ng daigdig, tayo rin ay nagnanais na makabalik sa ating sariling bansa.
    • Kung kayo ay nakaranas na mangibang –bansa o magtrabaho sa malayong lugar, alam mo na hindi ka doon mag-pupundar para sa kinabukasan. Sa halip ay magpapadala ka ng pera sa mga naiwan mo sa Pilipinas upang ipang-paaral at ipang-tayo ng permanenteng tahanan.  Noong ako ay nasa Laguna pa, naisip ko na bagama’t doon ako nagtatrabaho, hindi ako doon mamamalagi kinalaunan. Namalagi din ako doon ng 2 taon. Kaya’t akoý nagrerenta lamang, at hindi bumili ng mabibigat na kagamitan. Ang lahat ng gamit ay nasa bag, ang kama, cabinet, at shelf ay de-tupi. Ganun din tayo sa mundong ito. Kailangan natin mamuhay sa realidad na ang malaking bahagi ng ating buhay ay hindi dito sa lupa kundi sa piling ng Panginoon. Mahalaga ang kumita para mang panggastos sa araw-araw. Mahalaga ang kalusugan. Mahalaga ang pag-aaral. Mahalagang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Walang masama ang magkaroon ng makabagong kagamitan.  Subalit kung ang mga ito ay nagiging sagabal sa ating pagsamba, sagabal sa ating paghahayag ng kabutihan ng Diyos sa madla, sagabal sa paglalim ng ating pagkakilala sa ating Diyos Ama, kailangan nating tandaan na an gating buhay sa lupa ay pansamantala, at ang kaluguran ng Diyos ang pinaka mahalaga.

19 “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. 20 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. – Mateo 6:19-20

Ano ang dapat nating gawin batay sa ating pagkatao? (11-12)

  • Talikuran at patuloy na makidigma laban sa mga pagnanasa ng laman –bilang mga batong buhaý na nakasalig kay Kristo, tayo ay nabigyan ng kakayahan na labanan ang mga makasalanang hangarin. Ikaw ba ay may mga makasalanang kaisipan o gawi? Mga “bad habits” na pawang mali sa mata ng Diyos? Ikaw ba ay nalululong sa bisyo? Nahuhumaling sa malalaswang babasahin o palabas? May matalas na dilang makapanakit sa kapwa? Mga pag-uugali na madalas nagiging dahilan ng alitan? Kung Oo ang sagot mo sa kahit isa sa mga ito, normal lang yun. Huwag kang magsawang lumapit sa ating Panginoon araw-araw upang ipanalangin ang lubusang pagbabago. Madapa ka man at magkasala, bumangon agad. Huwag mong sarilihin ang laban, bagkus ay maging tapat sa Diyos at sa mga kapatiran. I-share mo ang iyong mga pinag-dadaan, parehas ang maganda at hindi magandang mga nararanasan o nagagawa mo.
  • Mamuhay nang walang kapintasan – ano ang pagkakilala sayo ng mga tao sa paligid mo? Ng pamilya mo? Ng mga kaklase o katrabaho mo? Ng mga kapit-bahay mo? May madalas ba silang maipintas sa iyo? Kung meron, may katotohanan ba dito? Ang pag-udyok sa atin ni Pablo sa maayos na pamumuhay ay nangangahulugang wala dapat maipintas sa atin ang mga tao sa paligid. Patuloy nating iluhod sa panalangin ang anumang bagay na dapat pang baguhin ng Diyos sa ating buhay.
  • Ihayag ang katotohanan ng pag-ibig, kagandahang-loob, at kaluwalhatian ng Diyos – Sa papaanong paraan mo napapahayag sa iba ang Diyos? Kailan mo ito huling ginawa? Lantaran ba nating pinapasalamatan ang Diyos sa mga magagandang kaganapan sa ating buhay? (“Praise God, pumasa ako sa exam!” o “Na-regular na sa trabaho ang anak ko!”). Nakikwento ba natin sa mga tao ang dahilan kung bakit patuloy tayong naniniwala at sumasamba sa ating Diyos? Nagpapatotoo ba tayo sa katapatan ng Diyos sa ating buhay sa mga taong nakakasalimuha natin? Ang paghahayag na ito ay dapat maging bahagi ng ating pang-araw araw na buhay. Ito’y sinasadya, isang conscious effort. Ito rin ay pawang bunga ng pag-uumapaw ng ating kagalakan sa Panginoon.


Posted in Series, Uncategorized | Tagged , , , , | 2 Comments

Living out your vows

It’s good to be back from a long hiatus. Thesis and wedding preparations have taken up much of my time during the past half year or so.

The rings

One of the things that popped up often during our many mini marriage counseling sessions with prospective principal sponsors, as well as the books we’ve read in preparation for marriage was the centrality and sacredness of marriage vows. While many consider the “you-may-kiss-the-bride” as the main event in a wedding, it is actually the exchange of vows in front of God, the officiating minister, and witnesses that is the actual “main thing.”

Vows are public declarations of your commitment: first to God, then to your spouse, and also how you would relate to everyone else afterwards. While it is customary for some vows to be funny or hilarious – with punch lines being thrown here and there –  vows are binding and should therefore be taken seriously. It’s not necessarily a bad thing to add a touch of humor, but vows do reflect the couple-to-be’s take on the seriousness of what they’re entering into. Vows also set the tone of your priorities in the married life.

Personally, here are my do’s and don’ts in vow construction:

  • (Do) Understand the meaning of and God’s purpose for marriage – God is the author of marriage. As the deepest union between two persons, it is reflective of the union and intimacy between Christ and the church in the future. God’s command in Genesis to be fruitful, to fill and subdue the earth, likewise can only be accomplished through marriage and procreation.
  • (Do) Declare your commitment to God, your spouse, future family, and community – what separates a marriage from any other human sexual union is commitment involved as two people enter into a covenantal relationship with God and each other, with the community as their witness.
  • (Do) Put the Gospel at the center of your future life together – the ultimate goal of a christian marriage is the glory of God. This is accomplished by living holy lives and using your partnership to advance the Good News of God.
  • Don’t focus solely on your spouse-to-be – Marriage isn’t about your spouse. Yes, vows that prove just how much you know and love your husband-or-wife-to-be are cool and funny to hear, but marriage much, much more than just the two of you.
  • Don’t focus on yourself (same as above)
  • Don’t take your vows lightly – you will be held accountable for each word you write down. Don’t write what you can’t commit to doing. Don’t commit if you have 101 conditions attached. Make sure you’re really ready to spend the rest of your life with the other person.

My wife and I wrote our vows in Tagalog, you can read them below.


Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae ayon sa kanyang wangis (Genesis 1:27).

Ano nga ba ang Hugis ng Pagibig?

KRUS Ang Kanyang kamatayan sa KRUS ay kapahayagan ng wagas na Pag-ibig nya sa kanyang nilikha, at tuwirang pagsunod sa kalooban ng AMA. At ang kanyang muling pagkabuhay ay kaganapan ng ating kaligtasan at larawan ng katagumpayan sa kasalanan at kamatayan.

Pangalawa ka sa kaligtasan bilang pinakamahalagang regalong aking natanggap. Ang personal na ugnayan nya sa atin ay pagpapatibay ng ating Pananampalataya. At sa buhay na binago Nya, magkasama nating pagtatagumpayan ang mga kasalanang maaaring maghatid ng kamatayan sa pagmamahalang pinagbuklod nya. Ang kanyang Pag-ibig ang nagbubuklod sa atin bilang kanyang mga lingkod at salamin ng kanyang Pag-ibig sa Iglesya.

Sa iisang mithiin na magsilbi una sa Diyos.

Sa iisang hangarin na magkaroon ng oras sa pagmiministeryo sa iba at sa isa’t isa.

At sa lakbayin, ay ang kanyang Salita ang magsilbing maningning na Tanglaw at Matibay na Pundasyon sa landas na tatahakin.

Ito man ay: kagalakan o kapighatian kasaganaan o kahirapan kalakasan o kahinaan kapayapaan o kabalisahan tagumpay at kabiguan.

Magkahawak kamay, kakapit ng mahigpit sa Maylikha na maidambana ang Kanyang Kabanalan at Katuwiran.

At bilang iyong katuwang magaksama nating ibabahagi ang Wagas na Pag-ibig ng Diyos, sa loob at labas ng ating Tahanan. Ang ating tahanan ay magsililbing Kanlungan at Kapahingahan ng mga taong sugatan.

Sa ilalim ng Kanyang Grasya at Habag ako’y maging Katuwang mo sa lahat ng panahon at Mabuting Ilaw sa ating tahanan.

Mahal ko, Aking Panalangin sa iyong Panguguna na maibigay at maipadama ko hindi lang sa Salita kundi pati sa Gawa ang Walang Pasubaling Paggalang sa lahat ng pagkakataon, Mamahalin ka habang ako’y nabubuhay, Pagsisilbihan ka sa Tulong ng Kanyang Biyaya.

Aming Panginoon at Diyos karapat-dapat kang tumanggap ng Papuri, Karangalan at Kapangyarihan; Sapagkat Ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan sila’y nilalang mo at pinanatili. (Pahayag 4:11) Walang hanggang Pasasalamat sa DIYOS na pinagmulan ng lahat ng bagay ay ating Dakilain sa ating Pagsasamang Pang Habambuhay.



Ano nga ba ang hugis ng pag-ibig?


Tatsulok, tulad ng ugnayan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo bago pa man nilikha ang sanlibutan.

Tatsulok, tulad ng ugnayan ng mag-asawa at ng Diyos.

Tatsulok, tulad ng hugis na makikita sa batalya ng isang bisikletang pang-dalawahan.



Dalawahan pagka’t ang pag-iisa ni Adan ay ang unang hindi magandang napagmasdan ng Diyos.



“Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya’t ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” (Mateo disi-nuebe sais)


Ang buhay na binuklod ay parang paglalakbay sa bisikletang pang-dalawahan.

Isang lakbayin na pang-habambuhay.

Iisa ang ritmo ng tipa ng pedal, iisang landas na tatahakin – ang habambuhay na pagsunod sa Matuwid na Kalooban ng Maykapal.

Iisa ang tamang landas, ngunit marami at sanga-sanga ang pagpipilian. Hindi rin ito parating patag – may mabato, maputik, matarik, padausdos, at pa-siku-siko. Maraming panganib, at nag-iiba ang kapanahunan.


Mahal, nangangako akong ibigin ka tulad ng pagmamahal ni Kristo sa kanyang simbahan.

Pangngunahan ka sa landas ng kabanalan.

Hihingi ng dunong upang hindi malihis.

Ang Kanyang salita, gagawing GPS.

Iiwas sa mga bangin ng kasalanan.

Matututong pumreno kapag pabulusok ang daan,

Magbagal upang tanawi’y masdan .

Magpapakatatag sa harap ng matarik na akyatan,

Init ng araw, bangis ng hangin at ulan.

Matututong tumigil upang iba’y saklolohan.

Magpapakumbaba sa mga panahong masiraan.

Hihingi ng tulong kapag kapag kailangan.

At sa lahat ng makasalubong,

Hikayatin sa pagtugis sa landas ng kabanalan


Halina’t akoý samahan

Ihayag sa sanlibutan

Ang pag ibig na sinlawak

Ng kanluran hanggang silangan


Pag-ibig na di susuko

Handang makipaglaban

Pagtatagumpayan maging ang kasalanan

Walang aatrasan,

Maging bingit ng kamatayan

Ang pag alay ng buhay,

isang iglap mang daranak

O sa araw-araw nap pag-patak.


Sa ngalan ng Ama na Siyang may-akda

Ng Anak na dugo ang pinanglagda

Ng Espiritu-santong sa atiý naghahanda


Ito na ang aking

Huling  panata,

Huling panalangin

Bilang isang binata.


Writing our vows is just the start. Living them out in the context of day-to-day living, especially during highs and lows, is the harder part. It’s been a month and a half since we tied the knot, and we are yet to experience our first major fight. Many people find that to be a breakthrough. I think that the biggest factors  that contribute to the lack of quarrels  are maturity and staying true to the commitment to forgive and understand each other:

Most of all, love each other as if your life depended on it. Love makes up for practically anything. – 1 Peter 4:8 MSG

One thing I have in common with my wife, and also the major “plus points” while I was deciding on whether or not to court her, was that we both hate being late. As it turns out, other than that, we have practically very little in common. She likes to sweep the floor everyday and doesn’t like to use the vacuum cleaner. I can live with cleaning the room less than once a week, and grew up using the vacuum cleaner to clean stuff. I’m meticulous about segregating our trash, while she doesn’t mind dumping swept organic material into the non-biodegradable bin.

I haven’t quite adjusted to the dynamics of married life. For sure, getting pregnant, having a child, and experiencing crises later on will bring out the worst in us. Our vows will serve as a reminder of what we signed up for, and why:

27 Whatever happens, conduct yourselves in a manner worthy of the gospel of Christ. – Philippians 1:27

Posted in Current Affairs, Uncategorized | Tagged , , , | Leave a comment

Incubated Confessions


//It’s ironic how this thought has itself been incubated for quite a while… It’s been more than a month since I jotted down the outline for this post.//

Under ideal conditions, bacteria can double their population every 20 minutes. So, if you leave a single bacterium cell alone in a favorable environment, it will become 2 cells after 20 minutes. They will again double after the 40 minute mark, and then after an hour, they will become 8 cells. Do the math, left undisturbed, after 4 hours, that one cell will be 4096 cells. Give it more time and there will be enough cells to spoil your food and possibly cause harm to the one who will eat it. The seemingly spotless plate on the left on the picture above could turn into the too-numerous-to-count plate on the center just overnight.

If only money earned interest that fast…

While money doesn’t multiply in that manner, sadly, sin does. Sin usually starts as tiny, dismissible thoughts. Too tiny for us to actually be freaked out about. Like that single bacterium.

Case 1:

Your boss reprimanded you for something that wasn’t your fault. You felt victimized by such injustice, and spent the whole day thinking about how you can subtly get back at him or her. In the process you’ve plotted murder plans just like criminals did on CSI. You may not have acted out on your plan, but you have mentally murdered your boss three times in three different ways. You may think to yourself that no harm has been done. But you have just, in the process, harmed yourself and sinned against God:

21 “You have heard that it was said to those of old, ‘You shall not murder; and whoever murders will be liable to judgment.’ 22 But I say to you that everyone who is angry with his brother[a] will be liable to judgment; whoever insults[b] his brother will be liable to the council; and whoever says, ‘You fool!’ will be liable to the hell[c] of fire. -Matthew 5:21-22

No one may have noticed what went through your mind, but God did. You may also think that the effect of your thoughts ended the moment your head became cool again, but you may be wrong. You may have just become subtly more irritable as a result.

Case 2:

You were accidentally elbowed by some stranger during rush hour inside the MRT on your way to work. Instead of forgiving, you held a grudge. You felt irritated all day. Before you knew it, you’ve been irritable towards all your officemates who have done nothing to irritate you.

They may not have known what gave you a bad day, but just like a domino effect, you’ve turned their days somewhat bad as well.

Case 3

You may start out by looking at a a beautiful girl (or guy). Then by taking a second glance, not just at his/her face, but at his/her body as well. The next thing you know, you’re undressing him/her in your thoughts. Then by the time you get home, you can’t stop thinking about it. It had turned into full blown lust, ready to be taken to the next level – an erotic movie, pornography, an urge for a sensual massage, or maybe an interpersonal sexual encounter.

These desires give birth to sinful actions. And when sin is allowed to grow, it gives birth to death -James 1:15, NLT

What was common in all three cases? You did not confess immediately – either to God, or to another brother or sister. The practice of confession, while being common in the Roman Catholic church, doesn’t seem to be as popular or institutionalized as a discipline in the Evangelical realm. Evangelicals should give it more importance, I believe. And so does John and James:

If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sinsand purify us from all unrighteousness. – 1 John 1:9

Make this your common practice: Confess your sins to each other and pray for each other so that you can live together whole and healed. The prayer of a person living right with God is something powerful to be reckoned with. – James 5:16, MSG

Confession is first and foremost an acknowledgment that we are wrong. We acknowledge our sins before God, because all sins are ultimately against Him. We confess and confide to our brothers (or sisters) for reconciliation (if that person was the one you offended) and accountability (if otherwise). Part of being a functional spiritual community is sharing each other’s burdens, and that includes our struggles.

Case 4

You find yourself attracted to a person of the same sex. You find that person physically attractive. You are drawn to that person socially, intellectually and spiritually as well. You start to have doubts regarding your feelings… Now what do you do?

Of course, the very first thing  you should do is to tell God. You ask Him to help you understand your feelings. Is it wrong? Is it just a David-is-to-Jonathan type of brotherly attraction? Or is it perhaps slowly turning into a sexualized/eroticized/somewhat-emotionally-dependent thing? You may also ask God to bring or point a person in your life to whom you could talk to (not that person you’re attracted to though, most likely).

Ideally, that person would be understanding enough to try and assess your situation without judgment. He should also be godly-wise enough to know what to do. He should also be committed enough to walk with you through your journey, as a co-burden-bearer. This person should be able to journey with you – reprimanding you gently but firmly when you are in the wrong (“oops I blew up again” moments), and celebrating with you for each milestone (“congratulations, you haven’t been sarcastic this week!”). That is what Christian accountability should be like.

So, does that mean you should have one person to talk to regarding whatever shameful life problems you have? Well, it would be good if you have a handful of people you can be dead-honest to. A friend calls this concept as having “multiple anchors.” I’d say 3-5 individuals would be good enough.

Application questions:

Do you have any sins that you are yet to voluntarily confess to God?

If yes, what are you waiting for?


Do you have at least one brother or sister in Christ that knows all the hidden stuff in your heart and thought-life? If your answer is no, pray for God to lead you to one or more persons.

Are there burdens that you think you need to share to others, but are ashamed or afraid to?

This may be hard, but the longer you incubate that confession or burden, the worse the damage will be.

The song “Love Alone” by Caedmon’s call starts with the lyrics “no one will love me if they knew all the things I hide.” While this may feel true for most of us, I believe God, by His Spirit, enables His children to love other brothers and sisters as they are.

On top of it all, remember, God’s glory and our sanctification is far more important than our pride,  fears and feelings of shame.


Posted in Uncategorized | Tagged , , | 1 Comment