Palawan!

*LCDC updates still to follow. pabaliktad ako mag-recall eh*
*LCDC Pics. mag-antay kayo this week, mahirap kasi i classify yung more than 1500 na litrato eh, babawasan ko pa para di nakakahilo…*

Arrival. Ang araw matapos ang post camp ng LCDC. Nagising ako ng alas singko ng umaga, nag aatay na pala si Bronson (yung maghahatid samin sa air port) sa labas ng bahay, kahit na 5:30 pa ang usapan, kaya’t hayun, derecho na ko na walang ligo. Matapos ang anim na oras ay nasa Puerto Prinsesa na kami, sa bahay ni tita. Araw pala ng mga patay, sarado ang mga tindahan at kainan. Dahil puyat kami at wala namang magagawa, natulog na lang kami matapos mag-tanghalian, pag gising naman, hapunan.

Ukay Monsters! Ang boyfriend ng tita koy ay isang self-confessed ukay monster.  Sa kasamaan palad, di sya nakasama sa amin mag-ukay, kaya’t  pinasama na lang nya kami kay kuya jojo. Matapos ang dalawang araw, may bitbit na kaming isang kahon ng mga ka-ukayan, karamihan dun ay mga stuffed toy na ipangririgalo ni pao sa mga kaibigan.

Kitchen Crew. Syempre, hindi kumpleto ang experience kung di kami nagluto. Ang mura ng seafoods sa Palawan, nakakalula. May 2 araw na salitan kaming nagluluto ng tanghalian at hapunan. Nagluto si pao ng Thom Yum with super prawns at Gindara steak, ako naman sa binagoongang baka at nilasing na hipon, pati tocino at spam na rin…

Beer? Bulalo? Si doc din pala ay isang taong  mahilig kumain at uminom. Halos bawa’t meal eh inaalok kami ng red wine (may refill pa) minsan  naman ay beer. Tubig at icet tea lang sana ang gusto ko, kaso  wala namang  ganun parati. Pati gin-apple sinubukan ko.
Bago kami umalis pabalik ng maynila, tumambay kami  sa bulaluhan sa may airport:
         doc: ano gusto nyo? bulalo?
         b: di na po, kakakain lang namin eh…
         doc: eh di kape na lang.
         b: ok lang po, kape na lang po…
         doc: ehem, dalawang bulalo nga… tsaka kape…
         b: (ayos ang kape nila dito ah, may utak, gulay, at karne)

Underground. First time ko makapunta sa world’s longest undergroud river. Ang dilim sa loob, la ko makita. Kakatuwa pa yung guide namin, may sense of humor:

"*tok* yun pong narining nyo ay isang buwaya, kapag narinig nyo ulit yun, lumingon lang kayo sa likod at baka wala na yung guide nyo."

"At dito naman pot tayo sa vegetable section, sa inyong kanan, yan po ay celery, iyon carrot… at dyan naman po sa inyong kaliwa, yan po ay bato…"

"Hindi po nakakasakay ang mga sea snake dito. pinapababa po namin sila kasi wala silang ticket.."

Advertisements
This entry was posted in Travel. Bookmark the permalink.

6 Responses to Palawan!

  1. ThEia says:

    haha… ansaya… c u sa iv day.. parang ang saya ng guide nyo no?!

  2. benjie says:

    yup, 4th time na nung tita ko dun sa undergournd river pero marami daw hindi tinuro yung 1st 3 guides nya. sayang lang at masyadong madilim, kulang yung isang flash para ma illuminate yung massive limestone formations. to top it off, may problema yung film na nagamit ni pao…

  3. Lovelle says:

    SUPER miss ko na ang esbi!

  4. It is a valuable pieceI think, that you are not right. I am assured. I can defend the position.I have thought and have removed this questionI think, that you are not right. I can defend the position. Write to me in PM, we will communicate.You commit an error.
    herpes medicine

  5. In my opinion you are not right. I am assured. I can defend the position. Write to me in PM, we will communicate. What do you advise to me? I consider, that you are not right. I am assured. I suggest it to discuss. I can consult you on this question. Together we can come to a right answer. Excuse for that I interfere … To me this situation is familiar. Write here or in PM.
    Solo Ads Only : Solo Advertising

  6. It agree, the remarkable information
    Now that’s something like it!
    Quite right! Idea excellent, I support.
    Anything especial.
    How will order to understand?

    Recycling at Clover Hill Elementary

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s