Epilogo: Paalam sa Nagyeyelong Luklukan

    Hindi ko na tatapusin pa ang taong ito: Apat na oras bago matapos ang 2006, tuluyan ko nang tinanggal ang Nagyeyelong Luklukan mula sa PC na aking ginagamit. Tutal iisang trono lang naman ang kinakailangan sa buhay ko eh, at may naghahari na doon, pero hindi ako, kundi si Kristo.

    Nagpa-loko ako sa aking sarili, sabi ko nung umpisa, ayos lang mag-dota, bakasyon na naman eh. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi, lumalabas na halos 3 oras kada araw akong nagdodota sa bahay, kapalit ng 3 oras na ito ang paggawa ng mga bagay na dapat kong matapos bago matapos ang aking bakasyon…

    Subalit hindi naman ibig sabihin nito na ako ay naging walang silbi. Napadalas ang aking pagiging duwendeng pang-bahay, at ang pag hatid-sundo ng mga regalo’t pagkain alinsunod sa utos ng aking mga magulang. Naging panahon din ito upang muling makasalimuha ang mga kaibigang di ko na madalas makita (KC2k6, LCDC 2k6, DBC Noah’s Ark barkada), at makalaban silang lahat sa dota, counter-strike, at Wanted.

*Sya nga pala, hindi masama ang maglaro ng kahit anong computer game, wag mo lang ilaan ang oras na dapat ilaan sa ibang bagay*

——————————————————————————————————
    Matatapos na ang taon. Ano nga ba ang aking natutunan? Ano nga ba ang nangyari? Ang nag-bago? Ang lumago?

Mga bagong karanasan at kaalaman:

  • Kawayan Camp 2006
  • Leadership Discipleship Camp 2006 – bilang camp exec
  • Pagbibisikleta
  • Paggalaw sa Yelo
  • Pagpapayo sa nga kaibigan
  • Pagluluto ang pagpapatubo ng mikrobyo
  • Pag-blog

—————————————————————————————————–

Sa mga bagong kaibigan at kakilala,

Sa mga dati na at bagong
nakakasama,

 Sa
mga klase, simbahan, tambayan, at iba pa,

(kumusta
na?)

 

Sa mga hindi ko man na bati nung kaarawan,

 Sa mga binati
kahit hindi naman pala kaarawan,

 Sa
mga naka-galit, nakaaway, at nasaktan, 

(patawad)

Sa lahat ng nagbabasa at di nagbabasa nito,

 Sa mga
kaibigang nasa ibang lupalop ng mundo,

 At
sa kaibigang nakilala ko ng husto sa taong ito,

 

Mahal ko kayong
lahat! Nawa’y Ialay natin ang taong ito sa ating Panginoon!

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

4 Responses to Epilogo: Paalam sa Nagyeyelong Luklukan

  1. Josephine says:

    Benjie,

    Hindi ko alam bakit ang husay mo sa iyong “blog”. Hehe… Nakakatuwang basahin. Kung meron bibigyan ako ng pagkakataong magparangal ng “Best Blogger”, ikaw yun. Hehe…

    Clap! Clap!

  2. hdtv lcd tvs says:

    Something so does not leave anything In it something is also to me your idea is pleasant. I suggest to take out for the general discussion. I can look for the reference to a site on which there is a lot of information on this question.
    Samsung LNT5265F 52-Inch 1080p LCD HDTV

  3. It is certainly right I consider, that you are not right. I am assured. Let’s discuss. Write to me in PM, we will communicate. This information is not true Cool Backpacks For Laptops images

  4. lillardsx says:

    The matchless phrase, is pleasant to me 🙂 In my opinion you are mistaken. I can defend the position. Anything especial. It was and with me. We can communicate on this theme. Here or in PM. It not absolutely approaches me. Who else, what can prompt?
    Sharp AQUOS LC52LE700UN 52-Inch 1080p 120 Hz LED HDTV

    alpinesonhe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s