Gapatak…

    Mga pitong taon nang nakakaraan mula nang una kong marining ang salitang ‘yan. Nasa silid-aralan kami noon, tinatalakay ang Noli Me Tangere sa Filipino. Maya maya’y nagbigay ng tanong ang aming guro: "Magkano ka?" Nagtanong sya ng ilang mag-aaral, na may kanya-kanyang sagot. Matapos nito, sinabi nya na sa katagalang panahon na tinatanong nya ito sa mga bata, mayroon syang tatlong sagot na nagustuhan. "Top 3" baga. Dalawa sa iyon ay nabanggit ng mga kamag-aral ko, ngunit ang isa, ang pinaka gusto niya, ay hindi pa nababanggit ng kahit sino maliban dun sa batang natanong nya, ilang taon na ang nakaraan.

    Ang isa sa tatlong sagot na nagustuhan nya ay "piso", dahil madali daw abutin, wari ba’y sagot ng batang matulungin. Ang ikalawa  naman ay, "isang milyong piso", pagka’t walang magkatulad na nilalang, at ang halaga ng buhay ay higit pa sa pera. Ngunit ang sagot na nagustuhan ng aking guro ay isang sagot na hindi kinikita ng empleyado o nakukurakot ng mga masasamang loob. Liban pa doon, ang nagbigay ng sagot na ito ay isang musmos na bata. "Gapatak", ang sabi ng bata. "Gapatak ng dugo ni Kristo", na siyang inalay para sa ating mga kasalanan. Iyon ang kanyang halaga.

    Magkano ka? Ang halaga ng isang tao ay di makikita sa kayamanang taglay, kagandahan, kalakasan, kapangyarihan, talino o ano pa man. Pagka’t ang katotohana’y maging ang ating buhay ay hindi natin pag-aari. Kahit musmos na bata, alam yun…

Advertisements
This entry was posted in Flashbacks. Bookmark the permalink.

One Response to Gapatak…

  1. I consider, that you are not right. I can prove it. Write to me in PM. Yes, really. I join told all above. Let’s discuss this question. At me a similar situation. Is ready to help. Speck Products Aft Pack Notebook Backpack for Laptops up to 17 Inches in Speakeasy Gray Pinstripe, NBAG-AFT15-PINGRY

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s