Pangarap

Yaman rin lamang na hindi makalabas ng draftboard ang karamihan ng aking mga katha, napag-pasyahan ko na lamang na basahin ang aklat na aking nakuha sa pagdalo sa Fellowship of Christian Bloggers ng FEBC (ang hirap tagalugin nun eh): “Kay Jesus, May Pag-asa ang Bukas, May Bukas ang Pag-asa”, ni Joey Umali.

Ang unang kabanata ay tungkol sa Pangarap. Bagama’t hindi ako sang-ayon na hinugot mula sa Joel 2:28 ang usapan tungkol sa mga pangarap, napaisip naman ako sa mga ibang sinabi ng may-akda:

“Nakakita na ako ng isang asong marunong magbukas ng pinto. Pero hindi pa ako nakakita ng isang asong marunong mangarap. Ang taong walang pangarap – walang panaginip, walang pangitain – ay walang karapatang maging tao.”

Oo nga naman, si bantay pwede mong turuan ng “sit” at “shake hands”, pero hindi mo pwedeng turuan ng “bantay, dream big and conquer the (dog) world!”

Walang makakapagsabi kung talaga bang nangangarap ang mga hayop. Pero ang mga tao, hindi na kailangan turuan mangarap. Ika nga ng Kamikazee, “libre lang mangarap”, at ng After Image, “Mangarap ka!”. Sa TV naman, mayroong palabas na “Wish ko lang”.

Halos lahat ng tao, may mga pangarap sa buhay, halimbawa:

tumino ang gobyerno

makasama si ano

      bansang mapayapa

                                bahay-kotse-lupa

                                           sa lotto ay manalo

                                                      pamilya’s mabuo

                                                                 manahan sa langit

                                                                           24/7 na pag-samba’t pag-awit

Wala naming masama sa mga pangarap na ito. Ngunit sa aking pakiwari, why settle for just these? Para kang naghahanap ng retasong tanso sa minahan ng ginto.

Kung mangangarap ka na lang rin, pangarapin mo na ang pangarap ng Dakilang Mangangarap para sa buhay mo. Kung hindi mo alam, pwes, alamin mo. Basahin mo ang Kanyang Aklat. Kilalanin mo Sya nang harap-harapan. Higit sa lahat, mag handa ka nang bitiwan ang lahat ng mga maliliit na pangarap mo na walang saysay kung ihahambing. Mag handa ka nang lisanin ang kasalukyang landas na pilit mong tinatahak.

O sya, tapos na ko mag monologue.

Ikaw, anong pangarap mo?

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to Pangarap

  1. arlene gonzales says:

    Sana matupad din ang pangarap mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s