Quiet Time Guide: “Laban Na” Ephesians 6:9-20

(Used for DCBC’s Youth Camp, 2012. Prior to final edit)

Last day na! Ambilis ng panahon no? Marahil ay marami ka nang iniisip. Dagdagan pa natin 😉 Naranasan mo na ba ang mag-exam nang hindi nag-aaral, tapos wala ka palang pen and paper? Anong nangyari? Ang sundalo ba ay sasabak sa war na walang training o equipment? Hindi diba? Sa pakikipag-sapalaran natin sa mundong ito, dapat parati tayong handa, lalo na spiritually.

Read: Ephesians 6:10-20

Matapos magbigay ni Paul ng mga message para sa iba’t ibang group, ay nagbigay sya ng generic message – para sa lahat. Anong action word ang pinaka madalas nyang ginamit sa ating passage (vv.11,13,14)? Ano ang nais iparating ni Paul sa pag-repeat ng salitang ito?

Sa verses 11-12, sino daw ang kalaban natin? Bakit kailangan nating isuot ang “armor of God”?

Sa verses 14-17, kinumpara ni Paul ang ilang mga traits sa mga gamit ng isang sundalo. Isipin mo kung ano ang mangyayari kung kulang ng kahit isa sa mga gamit na ito? Alin sa mga traits na nabanggit sa verses 14-17 ang meron ka? Eh yung sa tingin mo kulang pa?

Sa verses 18-20, gaano tayo ka dalas dapat mag-pray? Ano ang dapat nating ipag-pray?

Muni-muni time

  1. Ang labanan natin ay “spiritual” in nature, at ang mga kalaban natin ay mga “evil powers”. Ngayong alam mo na ang truth na ito, papaano mo paghahandaan ito?
  2. Ilang ulit na nag emphazise si Paul tungkol sa pagpapaka-tatag, hindi pagka-tinag, o “standing firm.” Ano ba ang nakikita mong weakness mo na madali pagagamit ng kalaban laban sa iyo? Ano kaya ang pwede nating gawin para hindi matinag ng enemy?
  3.   Kumusta ang prayer life mo? Tuwing kailan at ano ang madalas mo ipag-pray? Magi sip ka ng mga bagay na pwede isama sa regular mo na prayer time, at i-commit it okay Lord.

Panalangin

Lord, salamat sa lahat ng itinuro mo sa camp na ito. Nawa ay mag-focus kami sa Inyo sa lahat ng panahon. Bigyan mo kami ng lahat ng aming kailangan upang labanan ang kaaway, at na maging matapang kahit ano pa ang kahaharapin namin. Higit sa lahat, gawin Nyo kaming mas prayerful, na ipagpray naming hindi lamang ang aming mga sarili, pero pati ang aming mga kasama,at mga kaibigan na hindi pa nakakakilala sa Inyo.

Advertisements
This entry was posted in Character Matters and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s