“Identity”

whoismee

“NO ID, NO ENTRY.”

Ano nga ba ang ID? Identification card sabi sa dictionary. Sinasabi nito kung (1) ano ang pangalan mo, at (2) kung sino ka relative to a school, company, place, or institution. My IDs will tell you that I am a non-professional driver, a Filipino citizen, a UP Student, Faculty, alumnus and resident. These will also tell you my blood type, height, weight, affiliation with IVCF, family name, my brother’s cellphone number, and, my that I am legally single.

Is one’s identity a function of biological descent?

“Ah, kamukha mo nanay mo!”

“Ikaw yung apo ni kwan diba?”

“Mag-pinsan nga kayo, pareho kayong ano eh…”

How about titles like Doctor, Attorney, Engineer, Sir, Maam, the Honorable, Kosa, Siga, etc.?

O di kaya naman depende sa ginagawa mo sa buhay o hitsura mo?

“Si mamang guard”

“Si kuya fishballs”

“Si extra rice”

“Si manga-mangaa”

“Si ateng nagkukulot ng kuko sa kalingkingan”

“Who am I?“ Is a question that is faced by just about any person in one or many points in their lives. May mga tao na lumaki sa anino ng mga magulang or kamag-anak. Minsan, ang buhay nila ay nagiging function ng expectations ng kanilang mga authority figures:

“Dapat daw mag first honor ako, kung hindi, ililipat daw nila ako ng school”

“Sabi kasi ng magulang ko, ganito ganyan eh, kaya, ayun, I ended up marrying…”

“Isa kang (insert sosyal na surname here)! Act like one!”

May mga tao naman na pilit pinupunan ng kanilang maliliit na paa ang pawang Ronald-Mac-Donald shoes ng kanilang mga tinitingalang kapamilya o idolo:

“Kailangan magpaka-bread winner kasi wala na ang aking nanay/tatay”

“Mamanahin ko ang business na ito eh”

“Ikaw si Benjamin Santos VII!” Ang halaga nga ba ng isang nilalang ay natatagpuan sa summation ng kanyang ID info, plus achievements, plus genogram, plus, kung-anu-ano pa? Well, partly.

TAO

Kung nababasa mo ang article na ito, chances are, isa kang tao, tao na created in the image and likeness of God (Genesis 1:26-27). Kumbaga sa DOTA, hindi kasinungalingan na tawagin kang “godlike”. You were made to rule over the fish of the sea, the birds of the air, and all the creatures that crawl on the ground (except kapwa tao).

ANAK NG…

Kung ikaw ay tao, ikaw rin ay makasalanan (Romans 3:23). But it does not stop there, kung ikaw ay taong makasalanan, may pagkakataon ka na maging anak ng Diyos, kung ikaw ay magsisi at sumampalataya kay Jesus. Kapag nangyari yun, hindi ka na basta-basta anak ng magulang mo, anak ka na ng Diyos (John 1:12-13).

OWNERSHIP: TINUBOS

Sa pawnshop, ang anumang bagay na sinangla at tinubos ay magiging pag-mamay-ari na ng manunubos. Kung ikaw ay anak na ng Diyos, ikaw rin ay kanyang itinubos sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. Ikaw ay pag-mamay-ari na ng Diyos (1 Corinthians 6:19-20).

ALIEN? ALIEN!

Ang sinumang sumampalataya kay Kristo ay dayuhan sa mundong ito. Dapat tayong mamuhay ng iba sa sangkatauhan sa hindi natin pagtangkilik sa makasalanang mga bagay. Dapat ay walang bahid din ang iyong pamumuhay, sa tulong ng Holy Spirit, of course (1 Peter 2:11-12).

WEHNO NGAYON?

Ano naman ang saysay kung alam mo na ikaw ay tao na anak ng Diyos at kanyang tinubos upang manirahan sa kanyang piling magpakailanman? Marami! Una na syempre eh, you should live for Him. Ang buhay mo ay function ng kung ano ang gustong ipagawa sayo ni Lord. Pangalawa, you should know Him: through living for Him, suffering for Him, and even dying for Him (Philippians 3:10).

Now, ask yourself again, sino ka nga ba?

Given na na tao ka… Pero, do you think na ikaw ay isang anak ng Diyos?

Kung hindi pa, what are you waiting for?

Kung anak ka ng Diyos, kumusta ka naman?

Ano sa tingin mo ang pinapagawa Nya sa iyo?

Isang powerpoint presentation?

Isang bonggang life mission to the Island of Tuvalu? (oy, i-goo-Google nya yan…)

O ang mabuhay sa araw-araw bilang isang dayuhan sa lupang tinubuan dahil yearning ka na sa kalangitan?   Well friend, ikaw at si Lord lang ang makakasagot ng mga tanong na ibinabato ko sa iyo. Esep-esep… 🙂

Advertisements
This entry was posted in Weblogs and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s