Siyasat

 

*This post is written in a combination of English and Tagalog*

O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip,
subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;
kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid,
sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

 – Awit 139:23-24

original image from hispanicfanatic.com

original image from hispanicfanatic.com

Ayaw na ayaw kong nag-lalabas-masok sa mall o grocery dahil maliban sa bubuksan ang bag mo eh kakapkapan ka pa ng guwardiya. Minsan may full-body metal detector pa. Kapag sa airport naman, nandyan pa yung scanner ng bag. Hassle diba? Minsan parang intrusive ang feeling kasi hinahawakan ang iba’t ibang bahagi ng iyong katawan. Pati yung mga personal na laman ng bag mo, sinisiyasat nila. Kapag may nakita silang ipinagbabawal o kahina-hinala, icoconfiscate pa nila ito.

Alam natin na ang pag-siyasat ng mga Security personnel sa ating mga katawan, pananamit at bag ay para sa seguridad ng nakararami. Hindi ito ginagawa dahil trip lang nila. Naninigurado ang mga awtoridad na walang makakalusot na mga delikado o ipinagbabawal na bagay sa lahat ng dadaan sa kanila. Ganito rin ang ginagawa ng Diyos sa atin sa Kaniyang pagsiyasat.

Walang bagay tungkol sa atin na hindi lingid sa Diyos. Daig pa Niya si Big Brother. Para tayong may sariling CCTV nakabuntot 24/7, samahan mo pa ng lahat ng klase ng scanner at x-ray. Wala tayong maitatago, at hindi tayo makakapag-tago sa Kanya.

Yung iniisip mo ngayon? Alam Niya ‘yan.

Yung nararamdaman mo ngayon? Alam din Niya ‘yan.

Yung laman ng puso at pitaka mo? Alam mo na sasabihin ko.

So ano nga ba ang point ko?

Bagama’t alam ng Diyos ang lahat tungkol sa atin, hindi natin malalaman ang Kaniyang mga sasabihin maliban na lang kung lumapit tayo sa Kanya at magpa-siyasat.

Minsan noon, nasa airport ako sa Singapore. Nakalimutan ko i-check-in yung keychain ko na may maliit na gunting. Alam ko na bawal yun at icoconfiscate nila pag makita sa x-ray, kaya ipinagdasal ko na lang na di nila mapansin.

May mga pagkakataon na alam nating mayroon tayong mga nararamdaman, iniisip, ginagawa, pag-uugali o dinadala na hindi tama sa Diyos. May mga pagkakataon naman na hindi natin alam kung tama ba o mali ang mga bagay na naiisip o ginagawa natin. In both cases, makakatulong ang boluntaryong pagpapasiyasat sa Panginoon.

At katulad ng mga taong may dalang ipinagbabawal na pinipigilan ang pagpasok sa mga airport at mall, napipigilan din ang paglago natin sa Panginoon kapag may mga nasiyasat siya sa atin na kahina-hinala. Minsan, ito ay mga sinful habit, o kaya naman, mga maling paniniwala o katuruan. Maari ring ito ay pagtanim ng galit o sama ng loob sa kapwa.

Dahil dito, dapat ay regular tayong nagpapasiyasat sa Diyos, primarily through prayer. Gaano ka-dalas kaya dapat? Diba pag papasok ka ng mall, kung ilang beses ka dumaan ng entrance, ganun karaming beses ka rin magbubukas ng bag? Syempre ganun din kay Lord. Everytime we enter God’s presence, we should do so with a humble heart that’s willing to be searched. Hindi tayo dapat nagfifeeling na wala tayong nagagawang mali. Ganyan din yung attitude ng author dun sa mga naunang talata. Alam niyang wala siyang maitatago kay Lord. Inamin niya ang nararamdaman niyang galit sa mga kaaway niya. Inamin niya na sa tingin niya ay walang mali sa kaniya, pero sa dulo, nagpasakop pa rin siya sa pagisiyasat ng Diyos.

Nawa’y maging bahagi ng mga panalangin natin araw-araw ang Awit 139:23-24.

Kailan ka huling nagpa-siyasat sa Diyos? Ano ang mga ipinapakita Niya sa iyo?

Advertisements
This entry was posted in Lessons, life in general and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s